Mariing pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development ang kaugnayan nila sa kumakalat na grupo na pinamumugaran ng maling impormasyon at scam.
Ito ang nilinaw ng ahensya matapos na makarating sa kanila na mayroong isang grupo online na may pangalang “DSWD and 4Ps update” kung saan nagpapalaganap ito ng maling programa, serbisyo at iba’t ibang klaseng mga modus na nambibiktima sa mga Pilipino.
May ilan na nagpo-post ng mga kahina-hinalang mga link kung saan ginagamit ng mga scammer upang makapanguha ng mga personal na impormasyon.
Sa kasalukuyan nasa higit 300,000 na ang miyembro ng nasabing grupo kung kaya’t patuloy ang paalala ng Department of Social Welfare and Development na mag doble ingat at huwag basta basta maniwala sa mga post na nakapaloob ng grupo at magtiwala lamang sa opisyal na page ng kagawaran.