-- Advertisements --

Mas pinadali na ng Department of Social Welfare and Development ang mga guidelines sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) para mas maabot ang mga dapat na benepisyaryo nito na kinabibilangan ng mga low-income at mga minimum-wage earners.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spox. Irene Dumlao na napirmahan na ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang mga simplified guidelines sa ilalim ng Memorandum Circular no. 30 series of 2024 noong Agosto 9.

Aniya, ang mga ginawang pagsasaayos ng mga guidelines para sa naturang programa ay para mas maging inklusibo ang implementasyon nito sa mga formal at informal economy.

Paliwanag ni Dumlao, mas simple na ang mga document requirements nito para mas maging sistematiko at accessible ang review at verification nito.

Narito naman ang mga dokumentong dapat na ipakita para maging benepisyaryo sa ilalim ng AKAP, magpakita lamang ng pirmadong Contract of Employment o Certificate of Employment with Compensation, Income Tax Return o Bureau of Internal Revenue Form 2316, pirmadong Audited Financial Statement o Certificate of Tax Exemption.

Para naman sa mga informal economy dapat ay mayroong maipakita ang mga ito na certificate from a direct employer, certification of governement offices recognizing certain sector or groups, association certification, business permit or barangay certification para sa mga maliliit na business owners.

Sa ngayon, nasa higit 4 na milyong indibidwal na mga low-income at minimum wager earners sa buong bansa kabilang na ang mga magsasaka, mangingisda at iba pang sektor ng informal economy ang nagbenepisyo mula sa programa nitong Nobyembre 2024.