Nakipagpulong si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa ilang mga foreign diplomats at officials upang mas mapagtibay pa ang partnerships sa pagitan nito bilang ito ay isang paraan upang mas maging dekalidad ang social protection programs para sa mga Pilipino.
Napag usapan ang iba’t ibang program ng ahensya tulad ng paglaban sa kagutoman at pagpapabuti ng pamumuhay ng mahihirap at vulnerable sector sa bansa.
Sa pamamagitan ng expertise, experiences sa pagbuo ng implementing social welfare service bukod pa sa pagpopondo ay tutulungan raw ng foreign diplomats ang ahensya sa mga programa nito.
Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag ugnayan ng DSWD sa mga international community na malaki ang maitutulong na serbisyo sa mga nangangailangan ng tulong na mga Pilipino.