-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroong nakalaan na tulong para sa mga pamilya na maapektuhan ng El Nino.

Sinabi ni DSWD Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Diana Rose Cajipe , na laging mayroong nakapreposition na family food packs at non-food items ang kanilang mga regional offices.

Nakahanda ang mga ito para ipadala sa mga lokalidad na nangangailangan nito.

Paglilinaw niya na walang pinipili ang kanilang ahensiya dahil sa lahat aniya ng mga nangangailangan ng tulong nila ay kanilang tinutugunan.