Nananatiling sapat ang relief suplay ng Department of Social Welfare and Development para ipamahagi sa mga lokal na pamahalaan na naapektuhan ng bagyong Enteng.
Ito ng kinumpirma ni DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao sa isang panayam.
Ayon sa opisyal, aabot sa mahigit 1.7 milyon ang national stockpile ng ahensya at sapat rin ang kanilang resources.
Wala namang patid sa pag rerepack ng family foods packs ang mga volunteer ng DSWD.
Layon ng hakbang na ito na masiguro na hindi kukulanganin ang kanilang paghahanda sa mga inaasahang kalamidad na tatama sa bansa.
Patuloy rin ang kanilang pakikipag coordinate sa mga pangunahing ahensya ng pamahalaan bilang paghahanda sa epekto ng mga bagyo.
Kaugnay nito ay iniulat ng DSWD na aabot sa P134 milyon ang halaga ng kanilang available na standby funds batay sa pinakahuling datos nito.