-- Advertisements --
Muling nagsagawa ng inspeksyon ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang evacuation centers sa probinsya ng Albay.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng pagtitiyak ng ahensiya sa kaligtasan ng mga residente na apektado sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Kasabay ng isinagawang inspeksyon sa mga evacuation center, tiniyak din ng naturang kagawaran na magpapadala ito ng karagdagang tulong sa mga evacuation center sa susunod na linggo.
Sa plano ng DSWD, hanggang 23,000 family food packs ang nakatakdang ipapadala sa susunod na linggo sa Albay na magagamit ng mga inilikas na indibidwal.
Ang ipapadalang mga food packs ay ang pang-pitong pagkakataon na, simula nang nag-umpisa ang pag-aalburuto ng bulkang Mayon.