-- Advertisements --

Naberepika ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang higit sa 400k na mga pamilya bilang bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s.

Makakatanggap ang mga ito ng isang conditional cash assistance mula sa ahensya na siya namang dapat ilalaan para masigurong makakapasok ang kanilang mga anak sa eskwelahan.

Ani DSWD Asec. at Spokesperson Irene Dumlao sa Pugay Tagumpay Ceremony na ang kabuuang bilang ng 434,317 na mga pamilyang ito ang susunod na mabibigyan ng tsansa para maging benepisyaryo ng programa.

Sa kasalukuyan, nasa hindi bababa sa 4 milyong pamilya ang benepisyaryo sa ilalim ng programa kung saan nakakatanggap ang mga ito ng buwanang suportang pinansyal para sa pangangailangang pang-kalusugan ng mga ito at mga karagdang tulong pa para sa pagaaral ng mga bata sa kada tahanang benepisyaryo nito.