-- Advertisements --
Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga may hawak na pekeng person with disability card na sila ay mananagot sa batas.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na nakikipag-ugnayan na sila sa mga iba’t-ibang ahensiya para matigil ang iligal na paggamit ng nasabing pekeng PWD card.
Dagdag pa nito na ang paggamit ng mga pekeng PWD ay tila pagtanggal sa prebilihiiyo ng mga tunay na may kapansanan.
Nanawagan ito sa publiko na isumbong sa mga kinauukulan gaya ng National Council on Disability Affairs sakaling may nakita silang gumagamit ng mga pekeng PWD.
Una ng inireklamo ng grupo ng mga kainan ang talamak na paggamit ng pekeng PWD sa bansa.