-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Humingi umano ng tawad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 6 sa mga alkalde sa rehiyon dahil sa pagkakamali sa bilang ng bibigyan ng tulong sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Dahil dito binawasan ang alokasyon para sa beneficiaries ng naturang programa.

Ayon kay Ibajay Mayor Joen Miraflores, presidente ng League of Municipalities–Aklan Chapter, noong nakaraang linggo umano ay ipinaalam sa kanila na ang bilang ng SAP beneficiaries na nauna nang itinakda sa bawat local government unit (LGU) sa rehiyon ay mali dahil kasama sa listahan ang mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kinakailangan aniya na bawasan ang bilang ng listahan ng kanilang total target beneficiaries.

Nangangamba umano ang mga barangay officials at silang mga mayors ang masisi dahil sa pangyayari.

Dahil dito, hinikayat ni Mayor Miraflores ang regional office na sila ang magpaliwanag at humingi ng apology sa publiko kaugnay na nangyaring lapses.

Sinasabing sa Western Visayas lamang nagkaroon ganitong pagkakamali.

Ang cash assistance para sa naturang programa sa Region 6 ay P6,000 pesos sa bawat pamilya.