-- Advertisements --
Nag-umpisa na mamahagi ng cash aids ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 800 na mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Pinangunahan ni Gov. Daniel Fajardo at Vice Gov. Alexis Castro ang pamamahagi ng mga cash aids sa mga beneficiaries ng AICS na nakatanggap ng tig- P2,500.00 mula sa ahesnya ng DSWD.
Nagpaalala naman si Fernando na gamitin ang nakuha nilang mga cash assistance sa tama at hindi para gawing panggastos sa kanilang mga bisyo at pagsusugal.
Samantala, nag-anunsyo din ang mga opisyal ng naturang siyudad na magkakaroon ng panagalawang batch ng pamimigay ng cash aid ng DSWD para naman ito sa mga residenteng naapektuhan ng malubhang pagbaha sa lugar.