-- Advertisements --
Nag unload ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas ng hindi bababa sa 50,000 Family Food Packs.
Ito ay isinagawa ng ahensya bilang paghahanda sa posibleng pagdating ng La Niña phenomenon ngayong unti-unti nang ngang nararamdaman ang tag-ulan sa ating bansa.
Giit din ng DSWD, ang nasabing paghahanda ay hindi lamang para sa tag-ulan kundi pati na rin sa iba pang mga emergency na maaaring tumama sa kanilang rehiyon.
Ito raw ang estratehiya nila upang kaagad na matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan o pamilya anumang oras ng sakuna.
Sa ngayon ay aabot daw sa 100,000 ang kabuuang bilang ng Family Food Packs na nakatakdang i-stockpile sa iba’t ibang preposition sites sa nasabing rehiyon.