Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development sa lahat ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) hinggil sa pekeng payout schedule na kumakalat online.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nakatanggap ang ahensya ng impormasyon kaugnay sa viral post na nag-anunsyo ng petsa ng distribusyon at pangalan ng umano’y benepisyaryo.
Nilinaw ng ahensya na ang impormasyong ito ay hindi galing sa alin mang official channels ng DSWD.
Ani Dumlao, ang mga City/Manila Links, katuwang ang Parent Leaders (PLs), ang magbibigay ng distribution schedules direkta sa 4Ps receients mismo sa kanilang mga lugar.
Bukod dito, may awtoridad din ang Government Bank na i-anunsyo ang mga iskedyul ng payout sa opisyal nitong online page pagkatapos na mai-credit ang mga cash grant sa mga bank account ng mga benepisyaryo.