Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development sa mga taong magbebenta ng ipapamahaging food stub na hindi basta basta ang ibibigay na QR code dahil ito ay maglalaman ng pribadong impormasyon ng nakatanggap.
Nakapaloob umano dito ang ID bilang patunay na ang taong nasa pila ay siya ring mismo ang may ari ng nasabing food stub.
Isasailalim muna sa verification process ang mga pipila kaya naman sigurohin umanong may dalang dokumento at ID para mabigyan ng QR Code.
Para naman sa mga senior citizen o persons with disability, magpadala lamang ng authorization letter bilang patunay na pinahihintulutan nila ang nasa pila na kunin ang kanilang food assistance.
Simula bukas, lahat raw ng appointments ng ahensya, kung kakayaning maipamahagi ang 700 stubs ay nais nilang maipamahagi ito sa isang araw.
Samantala, nabanggit naman ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang tungkol sa financial assistance, kasama raw dito ang burial assistance, medical assistance, at food assistance.
Ito ay kaugnay sa nais isulong ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na labanan ang kagutoman at kahirapan sa bansa.
Patuloy naman ang pagsisikap ng ahensya na maging fully digitalized ang lahat ng proseso nang sa gayon ay mapadali ang transaksyon at pagpapadala ng tulong sa bawat lugar.