Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kailanman ay hindi nag-alok ang kanilang ahensiya ng P10,000 financial assistance program online.
Ginawa ng DSWD ang paglilinaw dahil ikinaalarma nito ang isang pekeng Facebook page, na umano’y nag-aalok ng tulong pinansyal sa mga netizens.
Binigyang-diin ng ahensya na “wala itong mga programa o tulong pinansyal na ipinapatupad online o sa pamamagitan ng mga social media platform.”
Hinimok nito ang publiko na huwag tumangkilik sa pekeng Facebook page, kahit na pinaalalahanan sila na sumangguni lamang sa opisyal na Facebook page ng DSWD para sa mga anunsyo at update tungkol sa iba’t ibang serbisyo at programa ng departamento.
Ang Facebook page ng DSWD ay mayroong mahigit 1.1 milyong followers.
Ang Kagawaran ay kasalukuyang nagsasagawa ng naaangkop na aksyon at pagsisiyasat tungkol sa usapin.
Para sa mga katulad na alalahanin, pinayuhan nito ang publiko na iulat ito sa DSWD Agency Operations Center sa pamamagitan ng 8888 hotline.