Nagbigay ng babala ang Department of Social Welfare and Development sa publiko hinggil sa kumakalat na post sa social media hinggil sa fake scholarship allowance.
Ayon kasi sa naturang video, nakalagay doon na ang lahat daw ng mga mag-aaral o estudyante sa bansa ay maaaring makatanggap ng nasabing allowance basta’t mag register lamang sa ibinigay nilang link.
Ayon sa ahensya, walang katotohanan ang ganitong post at hindi kailanman nanghihingi ng personal na impormasyon online ang DSWD dahil ito ay malinaw na paglabag sa Data Privacy Act.
Habang nagpaalala naman ang ahensya na maging maingat, huwag basta pindutin ang mga link na hindi nagmumula sa mga official page ng ahensya at ugaliing suriin muna o i-verify ang nababasa online upang hindi rin mabiktima ng mga scammer.
Huwag din daw magtiwala sa hindi kapani-paniwala na source at kung may makitang ganitong klaseng mga post ay kaagad na i-report sa kanilang tanggapan upang magawan ng kaukulang aksyon.