-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kumakalat na Facebook post sa buwanang pagbabayad ng tulong pinansyal ay “hindi totoo.”

Ang “pekeng” post sa social media ay nagpahiwatig na ang buwanang pagbabayad ng tulong pinansyal ay bahagi ng Unconditional Cash Transfer (UCT) program kung saan ang listahan ng mga pangalan na makakatanggap ng pera ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng isang link.

Inihayag ng departamento na ang Unconditional Cash Transfer ay isang subsidy na ipinatupad noong 2018 at natapos noong 2020 sa ilalim ng Republic Act 10963 o Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Tinukoy din ng DSWD ang mga social media page na hindi opisyal na page.

Ginamit umano ang pagkakakilanlan ng DSWD nang walang pahintulot at nililinlang ang publiko na nag-aakalang iyon ang mga opisyal na plataporma na ginagamit ng ahensya.

Una na rito. pinayuhan ng DSWD ang publiko na suriing mabuti at i-verify ang mga nilalaman na makikita online at huwag madaling maniwala sa mga post mula sa hindi mapagkakatiwalaang source.