Pinasimulan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Disaster Response Management Group (DRMG) ng ahensya para sa paghahanda sa posibleng maging epekto ng parating na bagyong Kristine at pagtulong sa mga local government units (LGUs).
Ayon kay Secretary Gatchalian, kailangan ma-secure ang lahat ng suplay ng ahensya sa lugar ng Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR) dahil inaasahan na ang bagyong Kristine ay magkakaroon ng parehas na direksyon sa Super Typhoon Carina.
Tinawag na rin ni Gatchalian ang tulong ng National Resource Operations Center (NROC) para mas mapabilis ang paggawa ng mga family food packs (FFPs). Dagdag pa niya na nakikipag-usap na rin ang ahensya sa Philippine Navy at Office of Civil Defense (OCD) para sa paghahati ng naturang food packs sa iba’t ibang lugar.