-- Advertisements --
dswd 3

Naghahanda na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mamamayang biktima ng mga pag-ulan at pagbaha na dulot ng easterlies.

Maalalang naranasan ang labis na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng Mindanao nitong mga nakalipas na araw, na naging dahilan ng pagkasira ng mga ari-arian ng maraming mga residente.

Kinabibilangan ito ng mga komunidad sa Iligan City, Lanao del Norte, Davao City at Lambayong, Sultan Kudarat.

Naranasan din ang pagguho ng lupa sa Sitio Lower Ladol, Barangay Assumption, Koronadal City.

Batay sa hawak na datos ng naturang ahensya, umaabot na sa 2,051 pamilya o katumbas ng 7,867 indibidwal ang apektado sa naturang sama ng panahon.

Ang mga biktima ay nagmula sa 11 barangays sa Region 10, region 11 at region 12.

Tiniyak naman ng DSWD na mayroong sapat na pondo at tulong na nakahanda para sa mga biktima.

Kinabibilangan ito ng P2.6-bilyon na halaga ng mga stockpile at standby funds ng DSWD Central Office at National Resource Operations Center.