Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development-Field Office VI na naglaan ito ng aabot sa mahigit ₱11-million na tulong para sa mga pamilyang apektado ng El Niño phenomenon sa rehiyon ng Western Visayas.
Ayon sa ahensya, ito ay sa ilalim ng kanilang Early Recovery and Rehabilitation Section (ERRS) of Disaster Response Management Division.
Sa isang pahayag, sinabi rin ng DSWD na ang pondong ito ay nagamit sa pagsasagawa ng mga Food For Work at Food for Training Programs sa rehiyon.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa ₱3.1-milyong halaga ng assistance ang naipamahagi nito sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Food for Training ng ahensya.
Katumbas ito ng 5,460 Family Food Packs para sa mga napiling benepisyaryo ng programa.
Aabot naman sa mahigit ₱7.9-million o katumbas ng 11,893 Family Food Packs ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng Food for Work.