-- Advertisements --
Nangatwiran ng Department of Social Welfare and Development ang kumakalat na expired canned goods na ipinamahagi ng ahensya na hindi umano expired tulad ng mga kumakalat na larawan.
Ayon sa ahensya, bagamat marami umanong mga reklamo sa nasabing canned goods na natanggap ng mga tao, naglabas ng direktiba si DSWD Sec Rex Gatchalian na e-recall itong mga ipinamahagi.
Nakikipag ugnayan na rin ang ahensya sa supplier ng nasabing canned goods upang ito ay mapalitan dahil sa dami ng reklamo mula sa iba’t ibang rehiyon.
Dagdag pa rito, ipinag utos rin ni Sec Gatchalian sa mga opisyales na pag aralan lahat ng maaaring parusa sa mga supplier tulad ng withholdonh of payment pati ang pag blacklist nito bilang accredited supplier ng ahensya.