-- Advertisements --

Naiabot na ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development ang inisyal na tulong sa 22 year old na sampaguita vendor na pinag-usapan online kamakailan.

Napagkamalan na menor de edad ang naturang indibidwal sa isang video online dahil sa kanyang suot na school uniform kung saan hinawi ng isang security guard ang paninda nitong sampaguita.

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, naipaabot na nila ang P20, 000 na inisyal na cash aid sa ina ni Jenny alinsunod sa kautusan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian.

Aniya, nakatakdang bumalik ang mga case manager ng ahensya para sa pagsasagawa ng karagdagang assessment.

Layon ng hakbang na ito na matukoy pa ang mga karagdagang tulong na maaaring ipaabot ang DSWD sa pamilya ni Jenny.