Karagdagang tulong ang ipinaabot ng Department of Social Welfare and Development sa mga apektadong pamilya ng bagyong Enteng sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Bicol Region na labis na naapektuhan.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na aabot sa 15,000 box ng family food packs ang inihatid nito sa naturang rehiyon.
Ang mga FFPs na ito ay mula naman sa Visayas Disaster Resource Center ng ahensya sa lungsod ng Cebu.
Batay sa ulat, aabot sa 423 FFPs box ang mula ipinaabot ng DSWD sa Polangui, Albay sa pamamagitan ng DSWD Bicol FO.
Aabot sa pitong barangay ang hinatiran ng tulong sa naturang lalawigan.
Higit limang milyong halaga naman ng family food packs ang ibinigay sa Camarines Sur na napakinabangan ng 7,402 na indibidual .
Patuloy naman ang DSWD sa pakikipag coordinate sa mga LGUs sa Bicol para sa mga kinakailangan pang tulong.