-- Advertisements --
Nakatanggap ng tulong ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng matinding init ng panahon sa Soccsksargen mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang tulong na ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng kagawaran.
Nanguna sa pamamahagi nito si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay nakatanggap ng tig ₱10,000 na halaga ng ayuda.
Nakinabang naman dito ang aabot sa mahigit 10,000 na mga benepisyaryo.
Maliban dito ay namahagi rin ng tulong ang DOLE sa pamamagitan ng kanilang TUPAD Program maging ang TESDA ay nagbigay rin ng libreng livelihood assistance.