-- Advertisements --

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga indibidwal at pamilyang nasunugan at naapektuhan ng super typhoon Carina sa lungsod ng Bacoor sa lalawigan ng Cavite.

Personal na nagtungo sa naturang lugar si DSWD Sec. Rex Gatchalian para pangunahan ang pamamahagi ng ayuda.

Ayon kay Sec. Gatchalian, ang paghahatid ng ahensya ng tulong ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa datos, aabot sa 1,495 pamilya ang nakatanggap ng tig ₱10,140.

Ayon sa ahensya , sa ilalim ito ng kanilang emergency cash transfer assistance program.

Maliban dito ay namahagi rin ng financial aid ang DSWD Field Office CALABARZON, at mga food and non-food items na may kabuuang halaga na aabot sa ₱10,920,460.

Giit ni Gatchalian, walang patid ang kanilang pakikipag coordinate sa lokal na pamahalaan ng Bacoor para masigurong mabibigyan ng tulong ang lahat ng apektadong pamilya sa lugar.

Top