Agad na nagpadala ng karagdagang tulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng 100,000 mga family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga resident sa Negros Oriental at Negros Occidental.
Ito ay dahil sa patuloy na mga aktibidfad ng Bulkang Kanlaon na siyang nakakapaekto na a kalusugan at kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Disaster Response Management Group na mas mabilis na mamahagi ng mga ffp’s sa mga residente sa naturang rehiyon at agad na magpadala ng mga panibagong supply para sa magiging augmentation nito.
Ang augmentation ng mga food packs ay para masiguro na may sapat na mga pagkain at kagamitan ang mga evacuees sakaling muling pumutok ang Bulkang Kanlaon.
Samantala, patuloy naman ang ahensya sa restocking at repacking ng mga food packs para sa tuloy-tuloy na supply nito.