Nagpadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang 11,500 Family Food Packs (FPPs) sa probinsya ng Quirino kasunod ng lalo pang paglobo ng bilang ng mga evacuees matapos ang pagdaan ng super typhoon Pepito.
Ayon sa DSWD, dinala ang mga FFPs sa bayan ng Diffun ngayong araw, Nov. 18.
Agad namang dadalhin ang mga ito sa mga pamilyang inilikas at apektado sa pananalasa ng bagyo.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Quirino, mayroong inisyal na 1,600 pamilya o mahigit 3,000 indibidwal ang inilikas patungo sa mga evacuation center sa probinsiya.
Sa ilang lugar, nagiging pahirapan din ang pagpasok sa ibang mga lugar matapos ang pagkakabaha ng mahigit sampung kalsada habang ilang tulay din ang napinsala sa pagbayo ng bagyo.
Marami sa mga ito ay mula sa national highway patungo sa mga provincial roads na pumapasok sa mga komyunidad sa Quirino.