-- Advertisements --

Muling nagpaabot ng karagdagang Family Food Packs ang Department of Social Welfare and Development sa probinsya ng Aurora kung saan unang naglandfall at nanalasa ang bagyong Nika.

Batay sa data ng ahensya, aabot sa kabuuang sampung libong Family Food Packs ang kanilang ipinaabot sa naturang lalawigan.

Nagmula ang mga ito sa packing center ng DSWD sa Global Aseana Business Park 2 sa lalawigan ng Pampanga.

Layon nito na magkaroon ng pre-positioned goods sa mga satellite warehouses ng DSWD sa Baler, Aurora.

Kaugnay nito ay katuwang ng DSWD Central Luzon ang mga tauhan ng Militar partikular ng 70th Infantry Battalion at Headquarters Service Company, 7th Infantry Division ng Philippine Army sa pagrerepack ng mga ito.

Nilalayon ng pagtutulungang ito na gawing sapat ang supply ng ayuda para sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Nika.

Sa ngayon, aabot sa ₱2.2-billion ang relief resources ng DSWD na siyang gagamitin bilang pantugon sa mga maapektuhan ng kalamidad.