Walang patid ang isinasagawang pagpupulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak ang kahandaan nila sa pagtugon sa ating mga kababayang posibleng maapektuhan ng Low Pressure Area (LPA) sa bansa.
Ang pagpupulong na ito ay pinamunuan ni Disaster Response and Management Group Assistant Secretary Irene M. Dumlao, Undersecretary Diana Rose S. Cajipe, at iba pang mga kawani sa kanilang field offices na siyang tumutulong sa nasabing disaster response.
Layunin nito na masiguro ang epektibo nilang pagtugon sa mga rehiyon, gayundin ang pagtitiyak na mayroon silang sapat na stockpiles, accessible standby funds at maging ang pagkakaroon ng komprehensibong plano.
Target din daw ng ahensya na mabawasan ang pinsala at magbigay pa ng mas mabilis at epektibong tulong sa mga Pilipinong nangangailangan sa ganitong mga sakuna.