Siniguro ng Department of Social Welfare and Development na hindi lamang family food packs at non-food items ang kanilang ipamamahagi sa mga apektadong pamilya sa Negros Island.
Bukod kasi sa mga nabanggit, nagsagawa rin ang ahensya ng iba’t ibang psychosocial activities para sa mga bata at youth evacuees matapos ang nangyaring pag alburoto ng Mt. Kanlaon.
Ang aktibidad na ito ay inilunsad at pinangunahan ng DSWD Field Office-6 (Western Visayas) katuwang ang case managers ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, mga tauhan mula sa Sustainable Livelihood Program, at maging ang La Castellana Municipal Social Welfare and Development Office.
Bahagi ito ng kanilang social protection services na may layuning protektahan at pangalagaan ang mga well-being nga mga apektadong indibidwal.