-- Advertisements --
image 278

Sinisikap ng DSWD na mas mapalawig pa ang mga programa para sa mga benepisyaryo ng 4Ps pagdating sa edukasyon, negosyo at pangkabuhayan.

Layunin nito na maging tuloy tuloy ang pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga benepisyaryo..

Sa nangyaring pagpupulong nina DSWD Sec. Rex Gatchalian at ilang 4Ps recipient na pinangungunahan ni Angela Tubello, ang President ng Samahan ng Nakakaisang Pamilya ng Pantawid pinag usapan ang ilang mga problema na kinakaharap ng mga benepisyaryo.

Dagdag pa dito, layunin rin nito na mabigyang linaw ang implementasyon ng programa.

Kabilang sa nabanggit ay ang delayed umano na pamamahagi ng cash grants, ang pagpapapirma ng waiver sa mga benepisyarong aalis sa programa, ang kwalipikasyon ng upang mapabilang sa “non-poor”, at ang kakulangan sa preparasyon sa pag graduate ng mga benepisyaryo ng 4Ps.

Samantala, siniguro naman ni Sec. Gatchalian na gagawan ng paraan ng ahensya ang mga problemang inilahad ng organisasyon.