Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na nakahanda itong maghatid ng tulong sa mahigit 6,000 pamilya o katumbas ng 24,043 na indibidwal na apektado ng bagyong Enteng at hanging habagat.
Batay sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, apektado ng naturang sama ng panahon ang Bicol Region, Central Visayas, at Eastern Visayas.
Libo-libong pamilya na ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa pagtaas ng tubig sa kanilang lugar dulot ng malalakas na pag-ulan.
Hindi rin bababa sa siyam na kabahayan ang napinsala habang isa ang naiulat na partially damaged.
Kaugnay nito ay naglaan na ang ahensya ng ₱410,000 halaga ng assistance para sa mga apektadong pamilya.
Wala rin patid nag kanilang pagsasagawa ng monitoring sa mga lugar na apektado ng bagyong Enteng at Habagat.
Samantala, aabot sa ₱2.7-milyong halaga ng relief resources ng ahensya ang naka standby kabilang na dito ang funds at food packs .