Tiniyak ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na nakahanda silang magpaabot ng tulong sa mga LGU sa Metro Manila na naapektuhan ng habagat noong Miyerkules.
Kung maaalala, inulan ang ilang lugar sa luzon lalo na sa Metro Manila dahil sa pag-iral ng hanging habagat na nagdulot ng mga pagbaha sa ilang lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ni DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao,patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang malaman kung kinakailangan nila ng tulong.
Bukas rina aniya ang ahensya sa lahat ng relief augmentation request mula sa mga ito.
Tiniyak rin ni Dumlao na sapat ang relief resources ng DSWD para ipamahagi sa mga naapektuhan pamilya.
Batay sa datos, abot sa 270,540 box ng family food packs ang naka standby sa Disaster Response Centers.
Aabot rin sa t P109.80 milyon ang halaga ng kanilang Quick Response Fund.