-- Advertisements --
Pumalo na sa kabuuang 19,881 Family Food Packs ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Kanlaon.
Tuloy-tuloy ang paghahatid nito ng tulong partikular na sa mga pamilya at indibidwal mula sa Western at Central Visayas.
Batay sa datos ng ahensya, ang Region 6 ang pinakamalaking bilang ng mga indibiwal na inilikas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkan.
Dahil dito, ito rin ang nakatanggap ng pinakamalaking bilang ng food packs na aabot sa mahigit 13,000.
Sumampa na rin sa mahigit P22.2-M ang kabuuang halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensya sa mga residenteng apektado ng pagputok ng bulkan.