-- Advertisements --
Nakumpleto na ang replenishment ng mga family food packs na ipapamahagi sa mga nasalanta ng bagyong Nika sa Cordillera Administrative Region (CAR) partikular na sa Apayao.
Nakapagpadala ng panibagong 3,000 na mga kahon ng FFP’s sa DSWD CAR Field office para agad na maipamahagi na sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng bagyo.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang repacking at replacing ng mga relief food packs para mas mabilis na maipamahagi ang mga ito sa mga nangangailangan.
Samantala, nakahanda naman ang ahensya sa mga paparating pang bagyo at patuloy sa pagaayos ng mga food packs at paghingi ng pa ng karagdagang tulong sa publiko.