-- Advertisements --
Aabot na sa P4.47 bilyon na halaga ng cash assistance para sa mga kuwalipikadong benepesaryo sa National Capital Region (NCR) ang naipamahagi na.
Sinabi ni Department of Interior and Local Goverment (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, na minimal lamang ang naging problema sa pamamahagi ng mga ayuda sa NCR.
Ipanapaubaya na lamang nito sa binuong grievance committee ang mga natatanggap nilang reklamo sa pamamahagi ng ayuda.
Magugunitang naglaan ng P23 bilyon para sa 22.9 milyon na benepesaryo ng naapektuhang Enhanced Community Quarantine sa NCR, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.