Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na pumalo na sa mahigit Php14 million na halaga ng tulong ang kanilang naihatid sa mga pamilyang apektado ng shear line.
Ang naturang weather system kasi ay naghatid ng isolated thunderstorms at mga pagbaha sa ilang rehiyon sa bansa noong nakalipas na buwan.
Batay sa datos ng ahensya, ito ay may kabuuang halaga na umaabot sa Php14,578,175.65 na naipamahagi sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga .
Layon ng ayudang ito na matiyak ang sapat ang tulong para sa mga pamilyang apektado.
Ayon kay Asst. Secretary Dumlao, ang halagang ito ay katumbas ng nasa 1,262 boxes ng family food packs na ipinamahagi sa mga probinsya ng Albay at Camarines Norte.
Aabot naman sa 703 boxes ng FFPs ang inihatid ng mga kinatawan ng ahensya sa Leyte at Southern Leyte.