Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na pumalo na mahigit P134 milyon ang humanitarian assistance na naihatid nito sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Batay sa datos ng ahensya , umabot na sa mahigit 100,000 family food packs ang kanilang naipamahagi.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, sumampa na rin sa P28-M ang tulong na naihatid nito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Patuloy naman na sinisikap ng ahensya na hindi mangyari ang tinatawag na “food-pack fatigue” sa evacuees .
Kailangan kasi aniya na laging mainit na pagkain ang isinisilbi ng community kitchens na itinalaga sa mga itinayong evacuation centers.
Sa datos na inilabas ng DSWD Disaster Response Operations Management Information Communication, pumalo na sa 18,440 pamilya o higit 68,000 indibidwal mula sa rehiyon 6 at 7 na patuloy na naapektuhan ng muling pagsabog ng naturang Bulkan.
Mula sa naturang bilang, aabot naman sa 2,606 pamilya o 8,313 katao ang namamalagi sa 22 evacuation centers.