-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 1,700 na family food packs ang ipinadala ng Department of Social Welfare and Development – Region 5 sa lalawigan ng Catanduanes na labis na naapektuhan ng ST Pepito.

Ito ay ipinamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa lalawigan.

Nagmula ang stock ng Family Food Packs sa Pawa, Legazpi City, Albay.

Una rito ay naipamahagi na rin ng DSWD ang aabot sa 1,013 na family food packs sa pitong barangay sa lalawigan ng Catanduanes kahapon.

Tiniyak naman ng ahensya na magpapatuloy ang kanilang pamamahagi ng ayuda sa lalawigan.

Layon nitong maihatid ng agaran ang pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pananalasa ng bagyo.