Sumampa na sa mahigit P42-M ang humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development sa mga residenteng naapektuhan ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Sa isang pahayag ay sinabi ng ahensya na kabilang sa kanilang naihatid ay mga family food packs para sa mga apektadong pamilya.
Bukod dito ay nagpaabot rin sila ng mga non-food items na kinabibilangan ng family kits at sleeping kits lalo na sa mga evacuees.
Sa huling datos ng DSWD, aabot na sa mahigit 46,465 na indibidwal katumbas ng higit 11,000 pamilya ang apektado mula Western at Central Visayas dahil sa pagsabog ng bulkan.
Halos limang libong pamilya naman ang pansamantalang namamalagi ngayon sa mga itinalagang evacuation centers sa Negros Island.