-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na naihatid na nito ang mahigit 50,121 boxes ng Family Food Packs sa mga lokal na pamahalaan na naapektuhan ng bagyong Marce.
Ayon sa ahensya, sa kabila nito ay patuloy ang kanilang paghahatid ng ayuda sa mga naapektuhang residente.
Nakapaghatid ng tulong ang mga tauhan ng DSWD sa rehiyon ng Cagayan Valley, Ilocos, at Cordillera Administrative Region partikular na sa mga pamilyang nasalanta.
Batay sa datos ng ahensya, ang Cagayan Valley Region ang nahatiran ng pinakamalaking bilang ng FFPs na aabot sa higit 32,000.
Pumalo na rin sa mahigit ₱34-million humanitarian assistance ang naipaabot ng ahensya sa mga naapektuhan ng bagyo.