Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na aabot na sa kabuuang 7.9 milyong katao ang apektado ng nagdaang bagyong Kristine at Super Typhoon Leon sa bansa.
Sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, pumalo na sa 65,261 pamilya katumbas ng 250,000 katao ang namamalagi sa itinalagang evacuation areas.
Aabot na rin sa kabuuang 434,000 katao ang naiulat na lumikas at nananatili ngayon sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Dahil sa lakas at mga pag-ulang dala ng dalawang bagyo , umabot na sa 7,914 kabahayan ang naitalang totally damage habang 84,000 na kabahayan ang partially damaged lamang.
Tiniyak naman ng ahensya na patuloy ang kanilang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhang lugar ng dalawang sama ng panahon.
Nakapag-abot na rin ng mahigit ₱635-million na halaga ng relief resources ang DSWD sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at NGOs.