-- Advertisements --
Nananatili pa rin ang malaking bilang ng mga indibidwal na namamalagi sa mga itinalagang evacuation centers na apektado ng pagputok ng bulkang Kanlaon.
Batay sa latest data na inilabas ng Department of Social Welfare and Development, pumapalo na sa mahigit apat na libo ang kabuuang bilang ng mga pamilya ang lumikas dahil sa pag-aalburuto ng bulkan.
Ang naturang bilang ng mga pamilya ay katumbas ng nasa 14,455 indibidwal na tumutuloy sa 32 evacuation centers sa lalawigan.
Samantala , sa kabuuan ay aabot sa mahigit 44,000 indibidwal ang apektado ng Mt. Kanlaon eruption batay sa pagtataya ng DSWD.
Aabot na rin sa ₱35.6-milyong ang kabuuang halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng ahensya sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng bulkan.