-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 177 pamilya o katumbas ng nasa 832 indibidwal ang naiatalang naapektuhan ng bagyong Querobin sa bansa.

Ito ay batay na inisyal na datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development ngayong araw.

Batay sa data, pinakamaraming bilang ng mga apektadong pamilya ay mula sa Northern Mindanao at rehiyon ng Davao.

Ayon sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, ngayong araw ay aabot sa apat na pamilya o nasa 16 indibidwal ang inilikas ng mga otoridad patungo sa mga itinalagang evacution areas.

Samantala, sa kabila ng kaliwat kanang aktibidad ay tiniyak ng ahensya na sapat ang kanilang pondo para sa iba pang mga kalamidad at sakuna na papasok sa bansa.