-- Advertisements --

Nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P70,706,465 na halaga ng humanitarian assistance sa mga naapektuhan ng patuloy na pagaalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Sa datos ng ahensya, naipamahagi ang tulong na ito ng halos 7,556 na mga pamilya o katumbas ng 23,618 na mga indibidwal.

Ang naturang assistance naman ay mula sa pinagsamang relief efforts ng DSWD, local government units at mga non-government organizations.

Para naman sa hanay ng ahenysa, pumalo na P51,075,823 ang halaga ng naipaabot na tulong nito sa mga residente.

Sa ngayon ay mayroon pang nagkakahalagang P168,044,880.49 ang nananatiling available na relief resources ng ahensya at patuloy na nakantabay para sa paghahatid ng agarang tulong sa mga apekatadong residente.