Nakapamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng humigit kumulang na 10 milyong family food packs sa mga nangangailangan sa buong taon ng 2024.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, sa tulong ng maagap na pag-preposition ng mga FFP’s at ang patuloy na augmentation at stockpiling ng mga ito ang naging dahilan kaya naging tuloy-tuloy ang pamamahagi nila ng FFP’s.
May kabuuang 9,856,984 na mga kahon ang nailatag ng ahensya sa buong taon na siyang pinakamalaking bilang sa kasaysayan ng DSWD.
Dagdag pa ni Dumlao, ito ay hindi tungkol sa bilang ng kanilang mga naiomahagi kung hindi, tungkol sa commitment na bitbit umano ng ahensya na makapagabot ng tulong sa mga nangangailangn nito.
Ito rin daw ay 42% na mas mataas kaysa sa nakaraang food packs noong 2023.
Samantala, nangako naman ang DSWD na mananatili silang maagap at mabilis sa pagaabot ng responsive at comprehensive disaster response sa mga sakuna.