-- Advertisements --

N

image 265

akatakdang maglabas ng karagdagang isang milyong family food packs ang DSWD para sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang mga sama ng panahon.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking hindi makararanas ng gutom ang mga pamilyang naapektuhan ng mga sakuna, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay patuloy na nagdaragdag ng mga family food packs (FFPs) sa mga residente sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Super Typhoon Egay.

Mula Hulyo 26 hanggang Agosto 10, nakapaglabas na ang DSWD ng 550,688 na kahon ng family food packs sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Ang mga FFP ay inihatid ng 367 wing van trucks sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa tatlong rehiyon sa hilaga at gitnang Luzon na pinaka-apektado ng dalawang bagyo at ng Habagat.

Sinabi ni DSWD Asst. Secretary Romel Lopez, na ang National Resource Operations Center (NROC),na pangunahing disaster response hub ng departamento, ay pinuri para sa record breaking delivery ng FFPs sa loob lamang ng dalawang linggo.

Dagdag Niya, ang DSWD ay nakatakdang maglabas pa ng 356,188 karagdagang mga family foodpacks.

Aniya, patuloy na makikipag-ugnayan ang DSWD sa mga kinauukulang LGU upang matiyak na ang mga pangangailangan ng mga apektadong nasasakupan ay agad na matutugunan.

Batay sa pinakahuling datos ng Disaster Response and Management Bureau (DRMB), nasa kabuuang P293,191,436.37 na halaga ng humanitarian assistance ang nailabas na ng DSWD sa mga rehiyong naapektuhan ng nagdaang bagyo.