Mas pinaiigting pa ng DSWD at United Nations Food and Agriculture Organization ang pag iinstitutionalize ng Anticipatory Action approach sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng National Dialogue Platform.
Ito ay may temang “Scaling up, Learning together”, kung saan dadalo ang ilang mga national government agencies, humanitarian institutions at development organization sa Mayo 11-12 doon sa Clark Field, Pampanga.
Layunin nito na magkaroon ng knowledge-sharing sessions at learning activities para integration ng Anticipatory Action sa mga social assistance programs at social protection system ng bansa.
Sa pamamagitan rin ng aktibidad na ito, maiidentipika ang mga challenges sa baaat programa at mapapaganda pa ang implementasyon nito.
Kabilang sa nais pagtuonan ng pansin ng ahensya ay amg disaster management at social protection.