-- Advertisements --
image 243

Nakipagpulong ang DSWD sa ilang mga opisyal maging sa private institutions kaugnay ng pagbuo ng solusyon upang labanan ang kagutoman at masiguro ang sapat na pagkain sa bansa.

Kabilang nakiisa sa nasabing pagpupulong kay si Aniceto Sobrepeña, presidente ng isang foundation inc., mga opisyal mula sa World Food Program (WFP), ang National Nutrition Council (NNC), at ang Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Napag usap ninda DSWD Secretary Rex Gatchalian at President Sobrepeña ang ilang mga initiatives at programa ng ahensya upang mabawasan ang kagutoman at makamit ang food security.

Nabanggit din sa pagpupulong ang pagkakaroon ng digital food stamps na maaaring magamit bilang pambili ng pagkain sa mga grocery stores at supermarkets.

Siniguro naman ni President Sobrepeña na handa ang kanilang foundation na mag assist sa DSWD kaugnay ng implementasyon nitong digital food stamps sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang expertise sa banking at financing.

Samantala sa hiwalag na pagpupulong naman kasama ang World Food Program (WFP), ang National Nutrition Council (NNC), at ang Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ay hinikayat ni Secretary Gatchalian ang mga ito na mas paigtingin pa ang partnership kaugnay ng plano ng DSWD na gumamit ng iron-fortified rice para sa food packs na ipamamahagi sa tuwing may kalamidad.

Ito umano ay makatutulong na maaddress ang problema sa micronutrient deficiency lalong lalo na ng mga kabataan na nasa vulnerable sectors.