Aabot sa 15,000 mga benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development ang nakatanggap ng cash aid mula sa naturang ahensya.
Ito ay sa kasagsagan ng pagdaraos ng kick off rally ng Bagong Pilipinas campaign ng pamahalaan kahapon, Enero 28, 2024.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications and spokesperson Romel Lopez, ito ay pamamaraan ng kanilang kagawaran na ilapit sa taumbayan ang serbisyo ng pamahalaan.
Ang pamamahagi ng naturang tulong ay sa pamamagitan ng “Serbisyo Fair” ng DSWD kung saan namahagi ito ng tig da-dawalang libong piso sa 15,000 mga indibidwal na benepisyaryo ng Assistance to Individual in Crisis Situation program ng ahensya.
Samantala, bukod dito ay namahagi rin ang DSWD-NCR ng mga family food packs sa nasa 5,000 mga indibidwal na naapektuhan ng iba’t-ibang insidente ng sunog sa Metro Manila.
Sabi ni Asec. Lopez, sa ilalim ng Bagong Pilipinas brand gobyerno ay nilalayon ng DSWD na masuportahan ang Marcos Jr. administration sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga social welfare programs at services sa ating mga kababayan upang mas mapababa pa ang poverty rate as ating bansa.