-- Advertisements --

Namahagi ng pinansyal na tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Sa naging datos ng DSWd Field Office VII, nakatanggap ng financial aid ang higit sa 1,739 na pamilya na kasalukuyang namamalagi sa Camp 1 hanggang 4 sa Kanlaon City, Negros Oriental.

Bawat pamilya ay nakatanggap ng P3000 na kabuuang halaga ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng DSWD.

Maaari magamit ng mga residente na ang tulong pinansyal mula sa ahensya para maibsan ang ilang mga pangangailangan ng mga ito habang namamalagi sa mga evacuation centers.

Samantala, tiniyak naman ng DSWD na tuloy-tuloy lamang ang kanilang pamamahagi ng tulong sa mga vulnerable communities at makapaghatid ng mga pangangailangan nito sa gitna ng delubyo.